Para sa kaligtasan ng lahat mula sa banta ng COVID-19, simula ika-15 ng Marso 2021, ang mga nais magpunta sa OTC Office of the Chairperson ay kailangang mag-schedule ng appointment.
Para sa WALK-IN CLIENTS
– Ang mga WALK-IN clients na pahihintulutang pumasok sa OTC office ay ang mga may sumusunod na pakay:
(1) Transactions gaya ng requests, endorsements, atbp.;
(2) Concerns para sa Operations Division
– Ang walk-in clients na walang appointment ay hindi na pahihintulutang pumasok sa opisina ni Officer-in-Charge Eugene Pabualan
Bago magpunta sa OTC, alalahaning sundin ang sumusunod na patnubay:
– Siguraduhing ang inyong appointment request ay approved at confirmed tatlong araw mula sa petsa ng inyong pagbisita.
– Isang representative lamang bawat kooperatiba ang pahihintulutang makapasok sa opisina
– Isang oras lamang ang ilalaan para sa bawat representative
– Hindi na pahihintulutan ang mga bisita sa loob ng working area/station ng OTC employees
Paano mag-request ng appointment kay OIC Pabualan?
1. Maghanda ng LETTER REQUEST na naglalaman ng sumusunod na detalye:
– Pangalan ng kooperatiba
– Pangalan ng represenative
– Dahilan ng pag-bisita o Purpose of visit
2. Ilagay ang salitang APPOINTMENT sa subject line ng inyong e-mail.
3. Gamit ang official e-mail address ng inyong TC, i-send ito sa official@otc.gov.ph



