Testimony on Labor Law Seminar in Iloilo City

Isa si Raul Cruzada, Vice Chairman ng Northern Panay Transport Cooperative, sa mga nakakuha ng panibagong kaalaman hinggil sa mga batas at alituntunin para sa mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng isinagawang Labor Law Seminar ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) at Department of Labor and Employment (DOLE) – Workers’ Welfare and Protection Cluster noong ika-19 ng Setyembre 2024 sa Iloilo City.

Labor Law Seminar in Iloilo City

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Bilang mahalagang uri ng mga pagsasanay at aktibidad pang-edukasyon sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP), muling pinangasiwaan ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), sa tulong ng Department of Labor and Employment – Workers’ Welfare and Protection Cluster (DOLE-WWPC), ang Labor Law Seminar na ginanap noong ika-19 ng Setyembre 2024 sa Iloilo City at dinaluhan ng 82 mga opisyal at kasapi na kumakatawan sa 28 transport cooperatives sa iba’t ibang lugar sa Region VI.

Drivers’ Training on Road Safety and Ethics in Tarlac City

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa mas ligtas at responsableng pagmamaneho at suportang aktibidad ng Public Transport Modernization Program (PTMP), muling nagsagawa ang Office of Transportation Cooperatives (OTC), katuwang ang Land Transportation Office (LTO), ng Drivers’ Training on Road Safety and Ethics para sa mga tsuper mula sa iba’t ibang transport cooperatives sa Region III na ginanap noong ika18 hanggang ika-19 ng Setyembre 2024 sa Bulwagan ng mga Gobernador, Provincial Capitol Building, Tarlac City.

Basic Fleet Management System Seminar in NCR Batch 04 (Day 02)

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Sa ikalawang araw ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar nitong ika-14 ng Setyembre 2024 sa Maynila, naging bisita si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand D. Ortega upang muling magbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga kinatawan ng 23 transport cooperatives na lumahok sa nabanggit na pagsasanay. Sa kabila ng kaniyang mga abalang iskedyul, nakapaglaan pa rin si Usec. Ortega ng oras para ipakita at ipadama ang kaniyang suporta at adhikain para sa mga transport cooperative.

Basic Fleet Management System Seminar in NCR Batch 04 (Day 01)

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Sa pagsisikap na makapagbigay ng iba’t ibang uri ng mga pagsasanay bilang agapay sa mga transport cooperative na lumahok at nagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP), muling nagsagawa ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar ang Office of Transportation Cooperatives (OTC), sa tulong ng University of the Philippines – National Center for Transportation Studies Foundation, Inc. (UP-NCTSFI).

Basic Fleet Management System Seminar in NCR Batch 03

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Bilang bahagi ng mga plano patungkol sa implementasyon ng mga aktibidad sa pagbubuo at pagtataguyod ng mga kapasidad ng mga transport cooperative para sa maayos na transisyon sa Public Transport Modernization Program (PTMP), ipinagpatuloy ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), sa tulong ng University of the Philippines – National Center for Transportation Studies Foundation, Inc. (UP-NCTSFI), ang pagsasagawa ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar sa Sta. Cruz, Maynila noong ika-06 hanggang ika-07 ng Setyembre 2024.

Drivers’ Training on Road Safety and Ethics in Lipa City, Batangas (Batches 03 & 04)

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Mga batas-trapiko, tamang asal, at maayos na paraan ng pagmamaneho upang maiwasan ang banggaan/salpukan sa daan ang mga naging tampok na paksa sa dalawang magkasunod na araw na pagsasanay na hatid ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), katuwang ang Land Transportation Office – Philippines (LTO), sa mga tsuper ng iba’t ibang transport cooperatives sa mga lalawigan ng Rehiyon ng CALABARZON at Mindoro.

Testimony on Basic Fleet Management System Seminar in NCR (Batch 02)

Isa si Ginoong Rafael Reyes, Fleet Manager ng Zaragosa Ramstar Transport Service Cooperative, sa mga nabigyan ng pagkakataon na lumahok sa malalimang diskurso hinggil sa Fleet Management System (FMS) sa pamamagitan ng isang seminar na isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), katuwang ang University of the Philippines National Center for Transportation Studies Foundation, Inc. (UP-NCTSFI), noong ika-29 hanggang ika-30 ng Hulyo 2024 sa Sta. Cruz, Maynila.

Testimony on Basic Fleet Management System Seminar in NCR (Batch 01)

Isa si Ginang Emilita Pilotos, Chairperson ng Novaliches-Balintawak-Blumentritt (NOBABLUM) Transport Cooperative, sa mga naging kalahok at nakakalap ng karagdagang kaalaman sa unang serye ng Basic Fleet Management System Seminar na hatid ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) katuwang ang University of the Philippines National Center for Transportation Studies Foundation, Inc. (UP-NCTSFI). Ito ay isinagawa noong ika-29 hanggang ika-30 ng Hulyo 2024 sa Sta. Cruz, Maynila.