Para sa aming mga accredited TCs na interesado sa Service Contracting Program ng DOTr at LTFRB, tuloy na ang ating special episode ng Online Koopihan! Ito ay gaganapin sa BIYERNES, FEBRUARY 26, 10 AM. Makakasama natin sina Project Development Officer Joel Bienne Valderama at Executive Director Atty. Armand Dioso mula sa LTFRB sa isang makabuluhang talakayan, kumustahan, at kwentuhan. Kung kayo ay interesadong sumali, ihanda lamang ang mga sumusunod na detalye: – Pangalan ng TC- Pangalan ng Representative(s) – E-mail address ng TC I-MESSAGE ito sa aming Facebook page o mag-send ng e-mail sa official@otc.gov.ph. Para sa mga nag-padala na ng kanilang detalye, kayo ay makakasama na bilang participants sa meeting.Sa mga hindi naman makakasama sa aming Koopihan, maaari ninyong mapanood ang episode sa FEBRUARY 27, 2021, Sabado, 10AM dito sa aming Facebook Page. PAALALA: Iwasang mag-comment ng sensitibong impormasyon gaya ng inyong full name at contact details.