๐๐๐๐๐๐๐: Sa patuloy na pagtugon at pagyakap ng mga transport cooperative sa adhikain ng Public Transport Modernization Program (PTMP), pormal na inilunsad ng Golden Arc Transport Cooperative (GATC) noong ika-28 ng Mayo 2024 sa San Mateo, Rizal ang karagdagang 15 nitong mga makabagong sasakyan. Ito ay pinangunahan ni GATC Chairman Arceo A. Dela Cruz at General Manager Cynthia Gambit. Sa ngayon, mayroon nang 30 kabuuan PTMP-compliant units ang kooperatibang ito na magbibigay ng serbisyo sa mga komyuter na bumibiyahe sa rutang Rodriguez, Rizal – Cubao via Marikina.
