π“π„π’π“πˆπŒπŽππ˜π€ 𝐒𝐀 π‹πˆπŠπŽπƒ 𝐍𝐆 ππ‘πŽπ†π‘π€πŒπ€

Isa si Eric Fernandez, General Manager ng Tayabas City Transport Service and Multipurpose Cooperative, sa mga naging saksi sa makabuluhan at matagumpay na pagsasagawa ng Labor Law Seminar noong ika-16 ng Hulyo 2024 sa Lipa City, Batangas na pinamahalaan ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment, Workers’ Welfare and Protection Cluster.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Fernandez na malaki ang naging tulong ng OTC at mga katuwang na ahensya nito upang mapalawak ang kaalaman ng mga manggagawang Pilipino sa sektor ng pampublikong transportasyon tungkol sa mga batas, karapatan, at usaping paggawa at kung paano ito pangangasiwaan ng mga kooperatiba.

β€œNaging interesado po akong sumali sa Labor Law seminar upang malaman po namin iyong mga bagay tungkol po sa mga batas ng Labor, ng DOLE, at upang maibahagi rin po namin ito sa aming mga miyembro. Napakarami po ang aking natutunan (sa seminar) tulad ng pagbibigay ng tamang sweldo sa mga empleyado, iyong tamang benepisyo, kaya napakalaking tulong po itong ginawa ng OTC,” pahayag ni Fernandez.

β€œKung aking ilalarawan sa isang salita ang nakuha ko po sa seminar na ito, siguro po ay β€œknowledge” dahil kung walang knowledge, walang power. Kaya po napaka-importante ng knowledge para mapalawak ang kaalaman at makapag-share po sa ibang mga tao hindi lamang po sa aming mga kooperatiba bagkus po sa aming sariling pamumuhay, lipunan, barangay, at lahat po ng pwedeng matulungan,” dagdag pa nito.

Ipinaabot din ni Fernandez ang kaniyang pasasalamat sa OTC dahil sa pagiging tulay nito sa pagitan ng pamahalaan at ng mga transport cooperative, bilang bahagi ng Capacity Building Program at inisyatiba nito sa gitna ng pagpapatupad sa Public Transport Modernization Program.