Si Ginoong Arnold Alamano, Board of Director (BOD) ng A. Roces Transport Service Cooperative, ay isa sa mga lumahok sa isinagawang Social Security System (SSS) Membership Caravan ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) katuwang ang SSS noong ika-04 ng Agosto 2025 sa Quezon City.
Ayon sa kaniya, mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga transport cooperative sa mga benepisyo at serbisyo na hatid ng SSS higit lalo para sa mga miyembro nito na nangangailangan ng tulong pinansyal sa mga gastusin na pangkalusugan.
Ang seminar aniya ay nagsisilbing daan upang mahikayat ang mga transport cooperative na magparehistro sa mga ahensyang tulad ng SSS at makakuha ng kaukulang benepisyo sa hinaharap.
“Salamat na mayroong (ganitong programa) na lahat ng kooperatiba ay maanyayahan sa SSS para lahat malaman kung ano ang dapat gawin ng isang kooperatiba, kung paano maghuhulog (ng kontribusyon), kung paano uumpisahan kaya mas maganda na nandirito kami para alam namin kaya umattend kami ng seminar,” dagdag pa nito.