Kabilang si Ginoong Misael Melinas, Chairman ng Juan Transport Service Cooperative at National Federation of Transport Cooperatives (NFTC), sa mga opisyal na dumalo sa Social Security System (SSS) Membership Caravan ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) at SSS noong ika-04 ng Agosto 2025 sa Quezon City.

Ipinahayag ni Chairman Melinas kung gaano kahalaga ang mga caravan para sa mga miyembro ng transport cooperatives na tiyak na makikinabang kalaunan sa serbisyo ng SSS.

“Itong SSS caravan na binuo ng OTC ay napakahalaga. Nagiging aware ang ating mga transport cooperatives kung paano ma-avail ang program ng SSS and at the same time, nae-educate kami on how to handle our members for the SSS,” paliwanag ni Chairman Melinas.

Positibong hakbang aniya ito upang matulungan ng mga transport cooperative ang kanilang mga miyembro na mas mabilis at madaling makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP).

“Mahalaga ito kasi ang OTC na mismo ang lumalapit sa amin at hindi na kami pupunta pa sa ibang mga lugar. Sana magpatuloy ito hindi lang dito sa NCR but also in other regions na mas higit na kailangan ng ganitong forums o caravans,” pagdidiin ni Chairman Melinas.