


Sa katunayan, matapos ang matagumpay na paglulunsad sa programa sa unang pagkakataon, agad na sinundan ng OTC ang pagsasagawa ng kaparehong seminar sa iba’t ibang lugar sa Luzon kung saan umabot sa 286 na miyembro mula sa 80 transport cooperatives ang dumalo at tumugon sa imbitasyon ng Ahensya. Partikular na ginanap ang naturang programa sa mga sumusunod na lugar:
Sa naturang seminar, binigyan ng pagkakataon ang mga kinatawan ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG, at PhilHealth na ibahagi sa mga opisyal at kasapi ng mga transport cooperative ang mga detalye ng kani-kanilang mga programa. Kabilang dito ang mga proseso at rekisito sa pagpaparehistro sa mga nabanggit na ahensya at mga obligasyon para sa tamang kontribusyon ng mga miyembro.
Ibinahagi rin sa diskurso ang mga panandalian at pangmatagalang benepisyo na maaaring matanggap ng mga tsuper at iba pang manggagawa ng transport cooperatives. Gayundin ang iba’t ibang serbisyo at proyektong pautang, pang-kalusugan, at tulong pangkabuhayan para sa mga aktibong miyembro ng ahensya na may angkop na kontribusyon.
Bukod dito, naglaan din ng oras ang OTC para sa “Open Forum” sa huling bahagi ng programa upang matugunan ang ilang tanong at hinaing ng mga transport cooperative tungkol sa kaugnay na paksa.