


Unang ipinaliwanag nina UP NCTS University Extension Specialists Engr. Sheila Flor Dominguez-Javier at EnP. Jerome N. Ballarta ang kahulugan ng FMS at ang papel na ginagampanan ng teknolohiya sa pagtugon sa mga hamon ng transport cooperatives sa gitna ng pagpapatupad sa fleet management.
Kabilang din sa naging diskurso sa seminar ang Regulatory Compliance and Safety na binigyang-linaw ni UP NCTS University Extension Specialist Sajid A. Kamid. Partikular dito ang pagtalakay sa mga batas, regulasyon, at panuntunan ng pamahalaan na kinakailangang maunawaan ng mga namumuno sa transport cooperative para sa tamang pagpapatakbo sa kanilang operasyon.
Samantala, ibinihagi naman ni UP NCTS Engr. Julshabar U. Halil ang benepisyo ng Fuel Management at ang angkop na istratehiya na maaaring gawin ng mga transport cooperative bilang bahagi ng FMS upang maiwasan ang polusyon na nanggagaling sa mga pampublikong sasakyan at mapangalagaan ang kapaligiran.
Sa kabuuan, humigit-kumulang 100 kalahok mula sa 24 transport cooperatives sa Region 3, Region 4-A, Region 5, at National Capital Region (NCR) ang dumalo sa naturang seminar at workshop na pinangunahan ng OTC.