


๐๐๐๐๐๐๐: Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa mas ligtas at responsableng pagmamaneho at suportang aktibidad ng Public Transport Modernization Program (PTMP), muling nagsagawa ang Office of Transportation Cooperatives (OTC), katuwang ang Land Transportation Officeย (LTO), ng Drivers’ Training on Road Safety and Ethics para sa mga tsuper mula sa iba’t ibang transport cooperatives sa Region III na ginanap noong ika18 hanggang ika-19 ng Setyembre 2024 sa Bulwagan ng mga Gobernador, Provincial Capitol Building, Tarlac City.
Sa unang batch ng nasabing pagsasanay, mayroong 109 na mga tsuper mula sa 26 na transport cooperatives ang lumahok. Sa pangalawa namang batch, umabot sa 102 na mga tsuper mula sa 30 transport cooperatives sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija ang dumalo sa kaparehong aktibidad. Layunin ng pagsasanay na ito na itaas ang kamalayan ng mga tsuper sa mga batas-trapiko, disiplina sa kalsada, at tamang asal sa pagmamaneho.
Sa pagbubukas ng programa, malugod na tinanggap ni Ginoong Jomar S. Dans, OTC PTMP – Project Implementing Unit Management Team Leader, ang mga dumalo at binigyang-diin ang kahalagahan ng nasabing pagsasanay at sa layunin nitong tiyakin, pangalagaan at isabuhay ng mga tsuper ang ligtas, maayos at propesyonal na serbisyo sa mga pasahero at respeto sa ibang motorista at iba pang gumagamit ng kalsada.
Bilang tinalagang taga-pagsalita ng LTO, masiglang tinalakay ni Ginoong Ryan Benedict Sigua, Transportation Regulation Officer II ng LTO – Paniqui District Office, ang mga diskusyon kung saan binigyang-pansin ang mahalagang papel at responsibilidad ng mga tsuper sa mahigpit na pagsunod sa batas-trapiko, wastong pag-uugali at ang kahandaan sa alistong pagtugon sa mga sitwasyong pang-kaligtasan para maiwasan ang anumang uri ng hindi kaaya-ayang insidente o pangyayari sa kalsada.