πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† π€ππ”ππ’π˜πŽ

Bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng Cooperative Education and Transport Operations Seminar (CETOS) para sa mga bago at dating miyembro ng mga transport cooperative, ipinapaalam ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) na ito ay magsasagawa ng regular na online CETOS tuwing Miyerkules, ala-una hanggang alas-singko ng hapon (1:00pm – 5:00pm). Ang seminar na ito ay sisimulan sa unang linggo ng buwan ng Agosto 2024 hanggang sa ikalawang linggo ng Disyembre 2024.

Sa bawat serye/batch ng CETOS, tatanggap ang OTC ng tatlumpung (30) kalahok batay sa β€œfirst-come, first-serve basis”. Para sa mga interesado, mangyari lamang na ipagbigay-alam sa aming tanggapan ang inyong request o kumpirmasyon sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan:

Opisyal na mensaheng email na naka-direkta sa OTC Operations Division sa e-mail address nito na od@otc.gov.ph;

Mensahe sa Office of Transportation Cooperatives Facebook Page/Messenger; o

Tawag o mensahe kay Ms. Johnna Marie D. Tayco sa cellphone number – 09989461736 (Smart) o 09772111310 (Globe).