


𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Sa layong palawakin at palaganapin ang kaalaman at pagpapahalaga sa seguridad at proteksyong panlipunan sa mga transport cooperative sa bansa, isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang seminar hinggil sa “Social Security and Health Protection Program” (SSHPP) noong ika-20 Hunyo 2024 sa Victo National Cooperative Federation, Lahug, Cebu City.
Kabilang sa mga tinalakay sa naturang programa ay ang mahahalagang benepisyo na maaaring matanggap ng mga kwalipikadong miyembro ng PhilHealth, Social Security System (SSS), at Pag-IBIG Funds.
Partikular na binigyang-diin ng kinatawan ng PhilHealth ang kahalagahan ng sapat na kaalaman tungkol sa Universal Health Care Act at iba’t ibang serbisyo nito tulad ng Konsulta Program. Samantala, tinalakay naman ng SSS ang coverage, contributions, benefits, loans, at online services, kung saan itinampok ang online loan condonation, pagtatantya ng retirement pay, at proseso ng pagtanggal ng mga empleyado sa sistema. Habang ipinaliwanag naman ng mga kinatawan ng Pag-IBIG Funds ang konsepto ng provident savings, home financing, at ilan pang serbisyo nito tulad ng kontribusyon ng mga miyembro, mga polisiya para sa senior citizens, mga isyu sa pagbabayad ng utang, at paglipat ng housing loan. Bawat sesyon ay nagbigay ng mahahalagang kaalaman at rekomendasyon upang mapakinabangan ang mga benepisyo mula sa mga programang ito.
Sa kabuuan, 107 miyembro mula sa 22 transport cooperatives ang dumalo sa nasabing seminar at nabigyan ng pagkakataong magtanong at magpaabot ng kanilang hinaing sa pamamagitan ng “Open Forum” hinggil sa kaugnay na paksa.