• Toggle Accessibility Statement
  • Home
  • Skip to Main Content
  • Sitemap
Menu
GOVPH
  • Home
  • TC Services
    • List of Accredited Transport Cooperatives with Valid CGS
    • Transport Cooperative Master List
    • Capacity Building Programs
    • TC Assess and Assist Program
    • Technical Development Assistance Services
    • Requirements
  • Issuances
    • Administrative Orders
    • Memorandum Circulars
    • Advisories
  • Procurement
    • Abstract
    • Amendment to Order
    • BAC Resolution
    • Contracts
    • Notice of Award
    • Notice to Proceed
    • Request for Quotation
    • PhilGEPS Posting
    • Notice of Postponement
  • About Us
    • Citizen’s Charter
    • Data Privacy Statement
    • Historical Background
    • OTC Key Officials
    • Vision, Mission & Mandate
  • Transparency Seal
  • Careers
  • Contact Us
  • AUXILIARY MENU
  • GOVPH
  • Home
  • TC Services
    • List of Accredited Transport Cooperatives with Valid CGS
    • Transport Cooperative Master List
    • Capacity Building Programs
    • TC Assess and Assist Program
    • Technical Development Assistance Services
    • Requirements
  • Issuances
    • Administrative Orders
    • Memorandum Circulars
    • Advisories
  • Procurement
    • Abstract
    • Amendment to Order
    • BAC Resolution
    • Contracts
    • Notice of Award
    • Notice to Proceed
    • Request for Quotation
    • PhilGEPS Posting
    • Notice of Postponement
  • About Us
    • Citizen’s Charter
    • Data Privacy Statement
    • Historical Background
    • OTC Key Officials
    • Vision, Mission & Mandate
  • Transparency Seal
  • Careers
  • Contact Us
    • Accessibility Statement
    • High Contrast
    • Skip to Content
    • Skip to Footer

Philippine Standard Time:

Social Security System (SSS) Membership Caravan

  • You are here:
  • Home ›
  • Events
  • PUV Modernization
  • Social Security & Health Protection Program ›
  • Social Security System (SSS) Membership Caravan
Posted on August 5, 2025 by IO JCP

TINGNAN: Matagumpay na isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) at Social Security System (SSS) ang unang serye ng SSS Membership Caravan para sa hanay ng mga transport cooperative kahapon, ika-04 ng Agosto, sa Quezon City. Sa kauna-unahang capacity building activity o pagsasanay at pagpapaunlad ng kakayahan para sa taong 2025, dinaluhan ng mahigit 100 miyembro ng iba’t ibang transport cooperatives sa National Capital Region (NCR) at ilang karatig lugar ang nasabing caravan upang bigyang-diin ang kahalagahan ng seguridad panlipunan at kalusugan sa sektor ng pampublikong transportasyon. Ayon kay OTC Chairperson Reymundo D.J. De Guzman, Jr., mahalagang maunawaan ng mga transport cooperative na ang pagiging miyembro sa SSS ay bahagi ng paghahanda sa kinabukasan sa halip na kabawasan sa kabuhayan ng mga manggagawa sa sektor. “Layunin ng caravan na ito na sa pag-usad natin sa modernisasyon, hindi po maiiwanan ang mga pinakamahalagang kasamahan natin sa hanapbuhay. Iyong mga tsuper, mga konduktor, maging ang mga nasa ating mga opisina para sigurado na mayroon silang proteksyon sa kanilang buhay,” pagdidiin ni Chairperson De Guzman.  “Nais po namin na lahat ng ating mga empleyado, lahat po ng kabahagi sa ating sektor sa mga kooperatibang pang-transportasyon ay may proteksyon na kahit papaano ay handa po tayo sa kung anuman ang ibibigay ng buhay,” dagdag pa nito. Sa unang bahagi ng programa, tinalakay rin ni OTC Supervising Cooperative Development Specialist Ramil Henderson S. Urrera ang pangunahing konsepto ng Public Transport Modernization Program (PTMP) at sinundan ito ng pagpapaliwanag ni SSS Senior Specialist Alexander L. Regala hinggil sa mga benepisyo na maaaring matanggap ng isang kwalipikadong miyembro ng SSS. Bukod dito, pinasinayaan din ang nasabing programa nina OTC Operations Division Chief Atty. Christian N. Oberio at SSS Vice President for Public Affairs and Special Events Division Carlo C. Villacorta na kapwa nagpaunlak ng kanilang mensahe.