35th National Statistics Month

πŸ‘πŸ“π­π‘ ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π’π“π€π“πˆπ’π“πˆπ‚π’ πŒπŽππ“π‡

Nakikiisa ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa pagdiriwang ng buong bansa sa β€œ35th National Statistics Month” ngayong darating na buwan ng Oktubre, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 647 ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Labor Law Seminar in Lipa City, Batangas and Silang, Cavite

π“πˆππ†ππ€π: Sa pagpapatuloy ng serye ng iba’t ibang uri ng seminar sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP), magkasunod na isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa tulong ng mga sangay na ahensya o tanggapan sa ilalim ng Department of Labor and Employment – Workers’ Welfare and Protection Cluster (DOLE-WWPC) ang Labor Law Seminar para sa iba’t ibang transport cooperatives na ginanap noong ika-16 ng Hulyo 2024 sa Lipa City, Batangas at noong ika-18 ng Hulyo 2024 sa Silang, Cavite noong ika-16 at ika-18 ng Hulyo 2024.

ABISO SA PUBLIKO

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Pansamantalang suspendido ang lahat ng transaksyon sa tanggapan ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) simula mamayang alas-tres ng hapon (3:00 PM).

Testimony on Labor Law Seminar in Silang, Cavite

Isa si Rosevelyn Gomez, Bookkeeper ng Diamante Multi-purpose and Transport Service Cooperative, sa mga naging kalahok ng isinagawang Labor Law Seminar ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) noong ika-18 ng Hulyo 2024 sa Silang, Cavite sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE) – Workers’ Welfare and Protection Cluster.

Labor Law Seminar in General Santos City

π“πˆππ†ππ€π: Bilang bahagi ng misyon na ipaabot ang kaukulang tulong sa hanay ng mga manggagawa sa sektor ng pampublikong transportasyon, muling ipinagpatuloy ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang pagsasagawa ng seminar hinggil sa mga batas at karapatan sa usaping paggawa noong ika-26 ng Hunyo 2024 sa 888 Events Place, Dadiangas West General Santos City.

OPISYAL NA PAHAYAG

Pangulong Bongbong Marcos, kinatigan ang patuloy na pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP) sa kabila ng panawagang isuspinde itoβ€”OTC

Binigyang-pagkilala at papuri ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang naging pahayag kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ukol sa mga panukala at panawagan na pansamantalang isuspinde ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP).

Basic Fleet Management System Seminar in National Capital Region (Batch 2) Day 2

π“πˆππ†ππ€π: Sa ikalawang araw ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar, patuloy na diskusyon at aktwal na aplikasyon ng mga natutunan ang naging talakayan at gawain sa pagpapatuloy ng pagsasanay na isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) at ng University of the Philippines – National Center for Transportation Studies (UP-NCTS) noong ika-07 ng Agosto 2024 sa Sta. Cruz, Maynila.

Basic Fleet Management System Seminar in National Capital Region (Batch 2) Day 1

π“πˆππ†ππ€π: Pangunahing konsepto at kahalagahan ng Fleet Management System (FMS) sa operasyon ng mga transport cooperative ang naging sentro ng talakayan sa pagpapatuloy ng ikalawang serye ng Basic Fleet Management System Seminar na isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), katuwang ang University of the Philippines National Center for Transportation Studies (UP NCTS), kahapon, ika-06 ng Agosto 2024, sa Sta. Cruz, Maynila.

OPISYAL NA PAHAYAG

OPISYAL NA PAHAYAG

Lubos na iginagalang ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang mataas na kapulungan ng Pilipinas at ang sentimyento nito hinggil sa mga hamon na kinakaharap ng hanay ng mga manggagawang Pilipino sa sektor ng pampublikong transportasyon. Katulad ng Senado, kaisa ng pamahalaan ang OTC sa hangarin nitong makabuo ng programa na mapakikinabangan ng publiko habang tinatahak ang daan tungo sa isang bansang progresibo. Gayunpaman, sa halip na pagsusulong ng suspensyon sa programa, naniniwala ang OTC na mas kinakailangang pagtuunan ng pansin ang kolektibo at tulong-tulong na pwersa ng pambatasan (legislative) at pampangasiwaan (executive) na sangay ng ating pamahalaan, kasama rin ang kinatawan ng pribadong sektor (saΒ  transportasyon at iba pa) upang makapag-balangkas ng iba’t ibang inisyatiba at hakbang na isasagawa pa ng kasalukuyang administrasyon sa pagtugon ng mga kakulangan at sa pagpapahusay ng pagpapatupad sa Public Transport Modernization Program (PTMP).Β