Abiso sa Publiko

Para sa buwan ng Abril 2025, gugunitain sa buong bansa ang dalawa (2) sa mga taunang pagdaraos ng makasaysayan at dakilang pangyayari na kabilang sa mga “𝗿𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗻𝗼𝗻-𝘄𝗼𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗼𝗹𝗶𝗱𝗮𝘆” at ito ay ang 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻 at 𝗦𝗲𝗺𝗮𝗻𝗮 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮. Dahil dito, walang trabaho ang lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan sa mga nabanggit na okasyon, kabilang ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) na pansamantalang hindi muna tatanggap ng anumang transaksyon sa petsa/panahon na nakasaad sa ilalim:

Pagpupugay sa Bagong Direktor ng OTC

Mula sa mga namamahala at lahat ng bumubuo ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), taos puso ang aming pagbati at bukas palad ang aming pagtanggap sa bagong talagang opisyal nito na si Executive Director Ramon A. Ilagan.

Eid Mubarak

Nakikiisa ang buong Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa pagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim sa 𝗘𝗶𝗱’𝗹 𝗙𝗶𝘁𝗿 o ang 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗥𝗮𝗺𝗮𝗱𝗮𝗻 ngayong araw, 𝗶𝗸𝗮-𝟯𝟭 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟱.

Pagbati sa mga Bagong Opisyal ng DOTR

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗧𝗥!

Binabati ng buong Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang mga bagong itinalagang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na sina Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure, Ramon G. Reyes at Assistant Secretary for Road Transport and Non-Infrastructure, Dioscoro T. Reyes. Sa ngalan ng mga transport cooperative sa bansa, malugod ang aming pagtanggap sa inyo bilang bagong miyembro ng pamilya ng DOTr at aming taga-pangasiwa.

Maraming Salamat sa iyong Serbisyo

𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢!

Isang malaking pasasalamat ang nais ipaabot ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) at hanay ng mga kaalyado sa sektor ng kooperatibang pansasakyan kay dating Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure, Jesus Ferdinand “Andy” Ortega.

2025 National Women’s Month

𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟱

Kabilang at kaisa ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa mga tumatalima sa taunang pagdiriwang ng bansa tuwing buwan ng Marso ng kada taon—ang Pambansang Buwan ng mga Kababaihan o “National Women’s Month”.

2025 Fuel Subsidy

𝗣𝗔𝗡𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔, 𝗠𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔!

Aarangkada na muli ang programang “fuel subsidy” o kilala sa tawag na PANTAWID PASADA para sa mga kwalipikadong operator at tsuper ng iba’t ibang pampublikong sasakyan.  Layunin ng programang ito na ibsan ang mga pasanin at gastusin ng mga operator at tsuper sa pamamasada at tugunan ang epekto ng pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo.

Pagbati sa Bagong Kalihim

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠!

Isang malaking pagbati at pagpupugay ang nais ipaabot ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) kay 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗗𝗢𝗧𝗿) 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗩𝗶𝘃𝗲𝗻𝗰𝗶𝗼 “𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲” 𝗗𝗶𝘇𝗼𝗻 bilang bagong itinalagang kalihim ng naturang kagawaran.