๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐ !
Isang malaking pagbati at pagpupugay ang nais ipaabot ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) kay ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐ข๐ง๐ฟ) ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฉ๐ถ๐๐ฒ๐ป๐ฐ๐ถ๐ผ โ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒโ ๐๐ถ๐๐ผ๐ป bilang bagong itinalagang kalihim ng naturang kagawaran.
Batid ng Ahensya ang sapat na karanasan at kahusayan na taglay ng bagong kalihim upang pangasiwaan ang ibaโt ibang programa at proyekto sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, gayundin ang kaniyang kaalaman sa pagtugon sa mga pagsubok na kinakaharap ng sektor ng transportasyon. Inaasahan ng OTC na sa bagong pamumuno ni DOTr Secretary Dizon ay patuloy na iigting ang dedikasyon ng kagawaran at mga ahensya sa ilalim nito sa pagsulong sa mga hakbang at inisyatiba ng pamahalaan para sa hinaharap. Lubos ding naniniwala ang Ahensya na sa pamamagitan ng pamumuno ng bagong kalihim, patuloy na mapaghuhusay ang mga reporma at proyekto na una nang binalangkas ng kagawaran, sa layong makamit ang isang progresibo, modernisado, at kalidad na sistema ng transportasyon sa bansa.ย
Sa kabila ng malaking pagbabago na ito, nais bigyang-diin ng OTC na mananatili itong aktibo sa mandato at bukas sa pagsuporta sa mga hangarin at misyon ng kagawaran para sa sektor ng pampublikong transportasyon sa bansa.