Nais ipaabot ng buong Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang pagbati nito kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio “Vince” Dizon, kasunod ng pag-apruba ng Commission on Appointments (CA) sa kaniyang ad interim appointment o opisyal na pagtalaga bilang kalihim.
Naniniwala ang Ahensya sa mabilis at makataong aksyon ni Secretary Dizon upang maipatupad ang mga proyekto at programa para sa kapakanan ng mga komyuter, gayundin ng mga manggagawang Pilipino sa sektor ng pampublikong transportasyon.
Kaugnay nito, sinisikap ng OTC, bilang ahensya sa ilalim ng DOTr na nangangasiwa sa mga transport cooperative, na patuloy itong tatalima sa mga direktiba ng administrasyon sa pamumuno ng kalihim. Mananatili ring kaisa ng Kagawaran ang OTC sa pagtahak sa isang direksyon tungo sa modernisadong pampublikong transportasyon.