π ππ₯ππ ππ‘π π¦ππππ ππ§ π¦π ππ¬π’π‘π π¦ππ₯πππ¦π¬π’!
Isang malaking pasasalamat ang nais ipaabot ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) at hanay ng mga kaalyado sa sektor ng kooperatibang pansasakyan kay dating Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure, Jesus Ferdinand “Andy” Ortega.
Sa loob ng iyong pamumuno, naging aktibo at buhay ang mga reporma, polisiya, at inisyatiba ng pamahalaan hinggil sa isinusulong na pagbabagong anyo ng sistema ng pampublikong transportasyon, kabilang ang pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng sektor. Saksi ang aming Ahensya sa iyong husay at dedikasyon na gampanan ang isang mahalagang tungkulin at mga gawain upang maisakatuparan at bigyang-daan ang nabanggit na pagbabago upang lubusang makamit ang isang bansang progresibo.
Maraming salamat sa inspirasyon at motibasyon na inyong hatid sa aming Ahensiya at puwersa ng mga kooperatiba sa transportasyon. Mabuhay po kayo at pagpalain nawa kayo ng ating Panginoon Diyos sa iyong magiging bagong kabanata sa buhay.