Nakikiisa ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa pagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong ika-06 ng Hunyo 2025.

Batid ng Ahensya ang kahalagahan ng pagbibigay-tanaw sa sakripisyo at debosyon na alay ng komunidad ng mga Pilipinong Muslim. Ito rin ang panahon ng pagninilay at pagkilala sa matibay na pananampalataya na matagal nang nakakabit sa relihiyong Islam.

Kasabay ng mahalagang okasyon na ito, hangad ng OTC na magsilbing daan ang Eid’l Adha upang maging mas payapa at matatag ang pagkakaisa ng bawat komunidad sa ating bansa.