𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄, πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ πŠπ€!

Nakikiisa ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa malawakang kampanya ng Department of Health (DOH) laban sa Cervical cancer na itinuturing na nakamamatay at ikalawa sa pangkaraniwang uri ng cancer sa mga kababaihang edad 15 hanggang 44 anyos.

Batay sa datos noong taong 2022 mula sa World Health Organization (WHO), ang Cervical cancer ay ikaapat sa mga uri ng cancer na karaniwang kinakaharap ng mga kababaihan sa buong mundo kung saan mayroong humigit-kumulang 660,000 bilang ng mga bagong kaso nito at 350,000 naman ang naitalang nasawi dahil dito.

Kaugnay nito, hinihikayat ng OTC ang publiko na maging alerto at tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang iyong kalusugan at magpakonsulta sa pamamagitan ng Cervical Cancer Screening sa ilang piling health center sa Metro Manila. Kabilang sa mga partikular na serbisyo na binibigay ng mga health center na ito ay ang Visual Inspection through Acetic Acid (VIA), Pap Smear, at HPV DNA Testing. Pinapayuhan din ang lahat ng mga transport cooperative sa Metro Manila na suportahan ang panawagan na ito at tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon sa buong kasapian nito para isulong ang kaalaman tungkol sa Cervical cancer at sa mga serbisyong maaaring matanggap.