πππππππ: Sa ikalawang araw ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar nitong ika-14 ng Setyembre 2024 sa Maynila, naging bisita si Department of TransportationΒ (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand D. Ortega upang muling magbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga kinatawan ng 23 transport cooperatives na lumahok sa nabanggit na pagsasanay. Sa kabila ng kaniyang mga abalang iskedyul, nakapaglaan pa rin si Usec. Ortega ng oras para ipakita at ipadama ang kaniyang suporta at adhikain para sa mga transport cooperative.
