OPISYAL NA PAHAYAG

Pangulong Bongbong Marcos, kinatigan ang patuloy na pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP) sa kabila ng panawagang isuspinde ito—OTC

Binigyang-pagkilala at papuri ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang naging pahayag kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ukol sa mga panukala at panawagan na pansamantalang isuspinde ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP).

OPISYAL NA PAHAYAG

OPISYAL NA PAHAYAG

Lubos na iginagalang ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang mataas na kapulungan ng Pilipinas at ang sentimyento nito hinggil sa mga hamon na kinakaharap ng hanay ng mga manggagawang Pilipino sa sektor ng pampublikong transportasyon. Katulad ng Senado, kaisa ng pamahalaan ang OTC sa hangarin nitong makabuo ng programa na mapakikinabangan ng publiko habang tinatahak ang daan tungo sa isang bansang progresibo. Gayunpaman, sa halip na pagsusulong ng suspensyon sa programa, naniniwala ang OTC na mas kinakailangang pagtuunan ng pansin ang kolektibo at tulong-tulong na pwersa ng pambatasan (legislative) at pampangasiwaan (executive) na sangay ng ating pamahalaan, kasama rin ang kinatawan ng pribadong sektor (sa  transportasyon at iba pa) upang makapag-balangkas ng iba’t ibang inisyatiba at hakbang na isasagawa pa ng kasalukuyang administrasyon sa pagtugon ng mga kakulangan at sa pagpapahusay ng pagpapatupad sa Public Transport Modernization Program (PTMP). 

DOTr launches PUV modernization program

  The Department of Transportation (DOTr) on Monday, June 19, gave an overview of the components of the government’s Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. During the launch of the program at Camp Aguinaldo on Monday, June 19, the DOTr said it plans to achieve the following goals: Safe and comfortable transport Predictable travel time continue reading : DOTr launches PUV modernization program