Testimony on Labor Law Seminar in Iloilo City

Isa si Raul Cruzada, Vice Chairman ng Northern Panay Transport Cooperative, sa mga nakakuha ng panibagong kaalaman hinggil sa mga batas at alituntunin para sa mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng isinagawang Labor Law Seminar ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) at Department of Labor and Employment (DOLE) – Workers’ Welfare and Protection Cluster noong ika-19 ng Setyembre 2024 sa Iloilo City.

Basic Fleet Management System Seminar in NCR Batch 04 (Day 02)

π“πˆππ†ππ€π: Sa ikalawang araw ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar nitong ika-14 ng Setyembre 2024 sa Maynila, naging bisita si Department of TransportationΒ (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand D. Ortega upang muling magbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga kinatawan ng 23 transport cooperatives na lumahok sa nabanggit na pagsasanay. Sa kabila ng kaniyang mga abalang iskedyul, nakapaglaan pa rin si Usec. Ortega ng oras para ipakita at ipadama ang kaniyang suporta at adhikain para sa mga transport cooperative.

Basic Fleet Management System Seminar in NCR Batch 04 (Day 01)

π“πˆππ†ππ€π: Sa pagsisikap na makapagbigay ng iba’t ibang uri ng mga pagsasanay bilang agapay sa mga transport cooperative na lumahok at nagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP), muling nagsagawa ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar ang Office of Transportation Cooperatives (OTC), sa tulong ng University of the Philippines – National Center for Transportation Studies Foundation, Inc. (UP-NCTSFI).

Basic Fleet Management System Seminar in NCR Batch 03

π“πˆππ†ππ€π: Bilang bahagi ng mga plano patungkol sa implementasyon ng mga aktibidad sa pagbubuo at pagtataguyod ng mga kapasidad ng mga transport cooperative para sa maayos na transisyon sa Public Transport Modernization Program (PTMP), ipinagpatuloy ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), sa tulong ng University of the Philippines – National Center for Transportation Studies Foundation, Inc. (UP-NCTSFI), ang pagsasagawa ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar sa Sta. Cruz, Maynila noong ika-06 hanggang ika-07 ng Setyembre 2024.

Social Security & Health Protection Program in Cagayan De Oro City

π“πˆππ†ππ€π: Sa pagpapatuloy ng pagsulong at pagpapalaganap ng kahalagahan ng seguridad panlipunan at kalusugan sa hanay ng mga transport cooperative sa bansa, isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang Social Security and Health Protection Program (SSHPP) Seminar sa Cagayan de Oro City noong ika-25 ng Hulyo 2024.

35th National Statistics Month

πŸ‘πŸ“π­π‘ ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π’π“π€π“πˆπ’π“πˆπ‚π’ πŒπŽππ“π‡

Nakikiisa ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa pagdiriwang ng buong bansa sa β€œ35th National Statistics Month” ngayong darating na buwan ng Oktubre, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 647 ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Labor Law Seminar in Lipa City, Batangas and Silang, Cavite

π“πˆππ†ππ€π: Sa pagpapatuloy ng serye ng iba’t ibang uri ng seminar sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP), magkasunod na isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa tulong ng mga sangay na ahensya o tanggapan sa ilalim ng Department of Labor and Employment – Workers’ Welfare and Protection Cluster (DOLE-WWPC) ang Labor Law Seminar para sa iba’t ibang transport cooperatives na ginanap noong ika-16 ng Hulyo 2024 sa Lipa City, Batangas at noong ika-18 ng Hulyo 2024 sa Silang, Cavite noong ika-16 at ika-18 ng Hulyo 2024.

Labor Law Seminar in General Santos City

π“πˆππ†ππ€π: Bilang bahagi ng misyon na ipaabot ang kaukulang tulong sa hanay ng mga manggagawa sa sektor ng pampublikong transportasyon, muling ipinagpatuloy ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang pagsasagawa ng seminar hinggil sa mga batas at karapatan sa usaping paggawa noong ika-26 ng Hunyo 2024 sa 888 Events Place, Dadiangas West General Santos City.

Basic Fleet Management System Seminar in National Capital Region (Batch 2) Day 2

π“πˆππ†ππ€π: Sa ikalawang araw ng Basic Fleet Management System (FMS) Seminar, patuloy na diskusyon at aktwal na aplikasyon ng mga natutunan ang naging talakayan at gawain sa pagpapatuloy ng pagsasanay na isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) at ng University of the Philippines – National Center for Transportation Studies (UP-NCTS) noong ika-07 ng Agosto 2024 sa Sta. Cruz, Maynila.

Basic Fleet Management System Seminar in National Capital Region (Batch 2) Day 1

π“πˆππ†ππ€π: Pangunahing konsepto at kahalagahan ng Fleet Management System (FMS) sa operasyon ng mga transport cooperative ang naging sentro ng talakayan sa pagpapatuloy ng ikalawang serye ng Basic Fleet Management System Seminar na isinagawa ng Office of Transportation Cooperatives (OTC), katuwang ang University of the Philippines National Center for Transportation Studies (UP NCTS), kahapon, ika-06 ng Agosto 2024, sa Sta. Cruz, Maynila.