Muling bubuksan ang aplikasyon para sa consolidation ng mga tsuper at operator na nais makiisa sa Public Transport Modernization Program (PTMP). Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, na tiyaking walang maiiwan sa gitna ng pagpapatupad sa programa.
Kasunod ng hakbang na ito ng pamahalaan, alamin natin kung bakit nga ba mahalaga ang pagsali ng mga tsuper o operator sa isang transport cooperative. Ilan sa mga pangunahing benepisyo na maaaring matanggap ng isang tsuper o operator sa kaniyang pagsali sa isang transport cooperative ay ang:
- Buwanang sahod
- Karagdagang insentibo
- Tulong Pangkabuhayan
- Tulong Pang-Edukasyon
- Proteksyong pangkalusugan at seguridad sa lipunan
- Libreng Pagsasanay
- Mas mababang gastusin
- Maayos at makataong sistema