ABISO SA PUBLIKO

Sarado ang tanggapan ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) bukas, ika-12 ng Mayo 2025, upang bigyang-daan ang mga Pilipino na bumoto sa nakatakdang eleksyon.

Alinsunod ito sa Proklamasyon Blg. 878 na inilabas ng Malacañang upang ideklara ang naturang petsa bilang “special non-working holiday” sa buong bansa.

Karapatan nating mga Pilipino na makaboto at makapili ng mga kwalipikadong mamumuno na makatutulong sa kaunlaran ng ating bayan. Dahil dito, ang OTC ay pansamantalang hindi tatanggap ng anumang transaksyon sa opisina nito. Magbabalik sa operasyon ang OTC sa araw ng Martes, ika-13 ng Mayo 2025.