Para sa buwan ng Abril 2025, gugunitain sa buong bansa ang dalawa (2) sa mga taunang pagdaraos ng makasaysayan at dakilang pangyayari na kabilang sa mga 𝗿𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗻𝗼𝗻-𝘄𝗼𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗼𝗹𝗶𝗱𝗮𝘆 at ito ay ang 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻 at 𝗦𝗲𝗺𝗮𝗻𝗮 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮. Dahil dito, walang trabaho ang lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan sa mga nabanggit na okasyon, kabilang ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) na pansamantalang hindi muna tatanggap ng anumang transaksyon sa petsa/panahon na nakasaad sa ilalim:

𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹 𝟬𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟱 – Araw ng Kagitingan (Day of Valor)

𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹 𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟱 – Huwebes Santo (Maundy Thursday)

𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟱 – Biyernes Santo (Good Friday)

Alinsunod ito sa deklarasyon ng ating pamahalaan upang bigyang-daan ang malayang pagdiriwang ng mga Pilipino sa Araw ng Kagitingan at sa taimtim na paggunita sa Semana Santa ngayong taon. Habang hinihikayat natin ang mga mamamayan na  makiisa sa mga makabuluhang araw na nabanggit, inaabisuhan din ng Ahensyang ito ang lahat ng mga transport cooperative na siguraduhing patuloy at walang malaking aberya ang ating serbisyo sa ating mga mananakay sa mga panahong ito. Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa mga naturang okasyon, panatiliin natin ang kanilang kaligtasan at seguridad.