MUNTING PAALALA NGAYONG BALIK-ESKWELA
Ipinapaalala ng ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ (๐ข๐ง๐) sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na sundin ang mga batas trapiko at panatilihin ang ibayong pag-iingat sa oras ng pamamasada upang maiwasan ang anumang uri ng disgrasya.
Alinsunod sa Republic Act No. 4136 o ang “Land Transportation and Traffic Code”, mariing ipinagbabawal sa mga tsuper ang pagpasada o pagpapatakbo ng sasakyan nang higit dalawampung (20) kilometro kada oras sa mga kalsadang kalapit ng paaralan. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, magulang, at iba pang manggagawa sa mga pampubliko at matataong lugar.