Ngayong Road Safety Month, halina’t alamin sa pamamagitan ng sumusunod na gabay ang iba’t ibang tips para tiyaking ligtas ang iyong pamamasada.
- Alamin ang lagay ng panahon sa iyong destinasyon.
- Tiyaking nasa maayos na kundisyon ang sarili at ang iyong sasakyan bago bumiyahe.
- Iwasan ang paggamit ng mga bagay na maaaring makaabala habang nagmamaneho.
- Kontrolin ang bilis ng pagpapatakbo ng iyong sasakyan.
- Dumistansya sa mga katabing sasakyan.
- Tingnan nang mabuti ang mga babalang nakapaskil o nakalagay sa daraanan.
- Ugaliing sumunod sa batas trapiko.
- Magbaba at magsakay ng pasahero sa angkop at nakatakdang lugar ng babaan at sakayan.
Hangad ng buong Department of Transportation (DOTr) at Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang makapagbigay ng serbisyo na ligtas at maaasahan sa oras ng pangangailangan. Kaya naman abiso ng pamahalaan lalo sa sektor ng mga transport cooperative sa bansa, manatiling alerto at palaging isaalang-alang ang kaligtasan ng mga pasahero.