ABISO SA PUBLIKO
Pansamantalang suspendido ang lahat ng transaksyon sa tanggapan ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) bukas, ika-01 ng Mayo 2025, upang bigyang-daan ang pambansang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o “Labor Day”.
Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 727, s. 2024, na inilabas ng Malacanang, kabilang ang petsa na ito sa mga idineklara bilang regular holiday sa taong 2025, upang bigyan daan ang taunang pagkilala at pagpapahalaga sa mga manggagawang Pilipino ng iba’t ibang larangan at sektor.
Kaugnay nito, inaabisuhan ng OTC ang publiko at kliyente nito na gamitin muna ang mga “online/offsite account” para sa mga transaksyon o mga komunikasyon tulad ng email (official@otc.gov.ph), hotline (0998-946-1736 / 0977-211-1310), o opisyal na Facebook page ng OTC.
Muling magbabalik sa normal ang operasyon ng OTC simula sa ika-02 ng Mayo 2025 at mga sumusunod na mga araw.