ARAW NG KAGITINGAN

Ngayong ika-09 ng Abril 2025, ating isasagawa ang ika-83 pambansang paggunita sa Araw ng Kagitingan (dating Bataan Day) alinsunod sa pinag-uutos ng Saligang Batas Blg. 3022. 

Ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) ay kabilang sa mga sangay ng pamahalaan na nagbibigay-pugay at karangalan sa paggunita ng makasaysayang araw na ito para sa ating bansa. Sama-sama nating kilalanin ang sakripisyo, katatagan, at katapangan na ipinamalas ng ating mga bayaning Pilipino na nanindigan sa Bataan.  Ang kanilang pagmamahal sa bayan ang nagsilbing sandigan upang tuluyan nating makamit at matamasa ang ating kabuuang kasarinlan. Bigyan natin ng saysay ang alaala ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na ipinagtanggol ang Bataan noong ikalawang pandaigdigang digmaan, partikular ang kanilang mga kabayanihan noong “Bataan Death March”.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng OTC ang publiko na makiisa sa pagbabalik-tanaw hindi lamang sa kanilang kagitingan kundi maging sa kanilang buwis-buhay na pakikipaglaban sa ngalan ng pagmamahal sa bayan. Mag-alay tayo ng isang minutong katahimikan mamayang alas kwatro y medya (4:30) ng hapon at ng panalangin o seremonya bilang parangal sa kanilang mga tagapagtanggol ng bayan kasama ang kanilang pamilya.