π—£π—”π—šπ—•π—”π—§π—œ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—’π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—Ÿ π—‘π—š 𝗗𝗒𝗧π—₯!

Binabati ng buong Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang mga bagong itinalagang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na sina Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure, Ramon G. Reyes at Assistant Secretary for Road Transport and Non-Infrastructure, Dioscoro T. Reyes. Sa ngalan ng mga transport cooperative sa bansa, malugod ang aming pagtanggap sa inyo bilang bagong miyembro ng pamilya ng DOTr at aming taga-pangasiwa.

Makakaasa kayo na ang aming Tanggapan at ang sektor ng mga kooperatibang pansasakyan ay kasama at katuwang ninyo sa inyong inatang na mga tungkulin bilang mga opisyal sa Road Transport at sa inyong mga tutuparing mga gawain. Naniniwala at nananalig ang OTC na sa ilalim ng inyong pamunuan, mas mapapaghusay at mapagbubuti ng ating pamahalaan ang mga kinakailangang reporma at aksyon para sa kinakailangang mga pagbabago sa sistema at pag-angat ng antas ng pampublikong sasakyan sa bansa. Nawa ay kilalanin at tanggapin ninyo ang sektor ng mga kooperatibang pansasakyan bilang inyong kaakibat at kasamang taga-pagtaguyod ng ating mga programa para sa bagong anyo ng sektor, sa ating mga mananakay, at sa bansa.

Muli, isang maalab na pagbati, pagkilala at pagpupugay, DOTr Usec Ramon Reyes at Asec Dioscoro Reyes!