๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ช๐—œ๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐——๐—”, ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐——๐—”!

Aarangkada na muli ang programang โ€œfuel subsidyโ€ o kilala sa tawag na PANTAWID PASADA para sa mga kwalipikadong operator at tsuper ng ibaโ€™t ibang pampublikong sasakyan.ย  Layunin ng programang ito na ibsan ang mga pasanin at gastusin ng mga operator at tsuper sa pamamasada at tugunan ang epekto ng pabago-bagong presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang halaga ng subsidiya na ilalaan ng pamahalaan sa mga kwalipikadong benepisyaryo nito ay naaayon sa karaniwang dami ng konsumo ng gasolina/diesel na kinakalangan ng isang pampublikong sasakyan upang makapasada. Dahil dito, kabilang sa mga maaaring makatanggap ng naturang subsidiya sa halagang ๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฌ,๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ay ang mga operator at tsuper ng Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) at Modern UV Express (MUVE). Aabot naman sa halagang ๐—ฃ๐Ÿฑ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ang maaaring matanggap ng mga operator at tsuper ng Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), Traditional UV Express (TUVE), Minibus (MB), Public Utility Bus (PUB), at Filcab.ย  Mayroon namang nakahandang ๐—ฃ๐Ÿฐ,๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฌ na halaga ng subsidiya para sa mga hanayย  ng Tourist Transport Services, Shuttle Services, School Transport, Transportation Network Vehicle Service (TNVS), at Taxi.

Bukod dito, kapwa nasasaklaw rin sa programang Pantawid Pasada ang mga rider ng delivery services na inaasahang makakatanggap ng ๐—ฃ๐Ÿฎ,๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฌ na halaga ng subsidiyaโ€”gayundin ang mga tricycle driver na maaaring makakuha ng ๐—ฃ๐Ÿญ,๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ na ayuda.

Sa kabuuan, papalo sa 1,026,306 na benepisyaryo ang maaaring makatanggap ng nasabing subsidiya. 286,306 sa mga ito ang magbubuhat sa mga naunang nabanggit na klase ng mga public utility vehicle (PUV), 600,000 mula sa sektor ng tricycle, at 140,000 naman sa hanay ng mga delivery service rider.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Jesus Ferdinand Ortega, inaasahan ng kagawaran na matatapos ang pamamahagi ng fuel subsidy sa ikalawang bahagi o quarter ngayong taong 2025.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng OTC ang aktibong pagtutok ng publiko sa mga official social media account at website nito upang hindi mahuli sa mahahalagang impormasyon hinggil sa fuel subsidy at sa iba pang mga proyekto o programa ng pamahalaan para sa sektor ng pampublikong transportasyon.