๐ฉ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐ฃ๐๐๐!
Kinumpirma na ng Meta Philippines bilang “๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ณ๐ถ๐ฒ๐ฑ” ang official Meta o Facebook page ng Office of Transportation Cooperatives (OTC). Dahil ito sa mga pagtangkilik, suporta, at tiwala na patuloy ninyong ibinibigay sa aming Ahensya sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagsubaybay sa aming mga inilalathalang impormasyon at kaganapan.ย ย ย
Kaugnay nito, hinihikayat din ng OTC ang publiko na tanging sa ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ณ๐ถ๐ฒ๐ฑ at ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น social media accounts lamang ng Ahensya tumutok upang makakuha ng lehitimo at napapanahong impormasyon hinggil sa aming mga programa, proyekto, aktibidades at mga ganap na may kinalaman o makahulugan para sa sektor ng transport cooperative.
Upang manatili namang updated sa mahahalagang anunsyo tungkol o para sa OTC at ating sektor, mangyari lamang na i-follow ang aming verified Meta o Facebook page (Office of Transportation Cooperatives) at official website (otc.gov.ph). Maaari ring makakuha ng pinakahuli at napapanahong mga balita ukol sa ating mga kaganapan at mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-subscribe sa ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ o pagpapadala ng mensahe sa official@otc.gov.ph.
Manatiling konektado! Isang maka-SERBISYO at maka-KOOPERATIBANG araw sa inyong lahat!