


𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Nakiisa ang mga kawani ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa isinagawang “Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill” ganap na pasado alas dos ng hapon ngayong ika-28 ng Hunyo 2024.
Kalmadong bumaba ang mga kawani ng iba’t ibang ahensya mula sa gusali ng Ben-Lor matapos ang pag-alarma na siyang hudyat ng naturang drill. Samantala, isinagawa naman ng mga kawani ng OTC ang “duck, cover, and hold” habang patuloy na isinaalang-alang ang angkop na panuntunan sa panahon ng sakuna tulad ng lindol.
Layon ng nasabing aktibidad na bigyan ng sapat na kaalaman, panatilihing alerto, at paigtingin ang kahandaan ng mga Pilipino sa posibleng pagtama ng lindol.