


Gamit ang pondong nakalaan para sa Public Transport Modernization Program (PTMP), muling sinimulan ng Ahensya ang pagsasagawa ng mga serye ng Labor Law Seminar. Una itong ginanap sa Legazpi Expo Center, Legazpi City (Albay) noong ika-21 ng Mayo 2024. Ito ay dinaluhan ng 96 na tao na kumakatawan sa 41 na transport cooperatives mula sa iba’t ibang bahagi ng Region V.
Ilan sa mga ahensya ng pamahalaan na naging katuwang ng OTC sa pagsasagawa ng naturang seminar ay ang DOLE – Region V (bilang kapalit sa Bureau of Labor Relations), Employees’ Compensation Commission (ECC) – Region V, National Wages and Productivity Commission (NWPC) ng NCR, at Regional Tripartite Wages and Productivity Board – Region V.
Kabilang sa mga paksa na tinalakay sa naturang seminar ay ang General Labor Standards, Occupational Safety and Health Standards Program para sa Employees Compensation, at iba pang bagay hinggil sa mga alituntunin sa sahod. Binigyang-diin din dito ang mga responsibilidad na kailangang gawin ng mga namumuno ng transport cooperatives sa pagpapatupad ng mga kaugnay na pangangailangan at rekisito.
Sa huling bahagi ng seminar, pinaunlakan ng mga kinatawan ng nasabing mga ahensya ng DOLE ang ilang mga katanungan ng mga lumahok tungkol sa naging malawakang diskurso sa mga ipinapatupad na mga batas para sa mga manggagawang Pilipino.