• Toggle Accessibility Statement
  • Home
  • Skip to Main Content
  • Sitemap
Menu
GOVPH
  • Home
  • TC Services
    • List of Accredited Transport Cooperatives with Valid CGS
    • Transport Cooperative Master List
    • Capacity Building Programs
    • TC Assess and Assist Program
    • Technical Development Assistance Services
    • Requirements
  • Issuances
    • Administrative Orders
    • Memorandum Circulars
    • Advisories
  • Procurement
    • Abstract
    • Amendment to Order
    • BAC Resolution
    • Contracts
    • Notice of Award
    • Notice to Proceed
    • Request for Quotation
    • PhilGEPS Posting
    • Notice of Postponement
  • About Us
    • Citizen’s Charter
    • Data Privacy Statement
    • Historical Background
    • OTC Key Officials
    • Vision, Mission & Mandate
  • Transparency Seal
  • Careers
  • Contact Us
  • AUXILIARY MENU
  • GOVPH
  • Home
  • TC Services
    • List of Accredited Transport Cooperatives with Valid CGS
    • Transport Cooperative Master List
    • Capacity Building Programs
    • TC Assess and Assist Program
    • Technical Development Assistance Services
    • Requirements
  • Issuances
    • Administrative Orders
    • Memorandum Circulars
    • Advisories
  • Procurement
    • Abstract
    • Amendment to Order
    • BAC Resolution
    • Contracts
    • Notice of Award
    • Notice to Proceed
    • Request for Quotation
    • PhilGEPS Posting
    • Notice of Postponement
  • About Us
    • Citizen’s Charter
    • Data Privacy Statement
    • Historical Background
    • OTC Key Officials
    • Vision, Mission & Mandate
  • Transparency Seal
  • Careers
  • Contact Us
    • Accessibility Statement
    • High Contrast
    • Skip to Content
    • Skip to Footer

Philippine Standard Time:

Golden Arc Transport Cooperative’s (GATC) Launching of Modern PUVs

  • You are here:
  • Home ›
  • Events ›
  • Golden Arc Transport Cooperative’s (GATC) Launching of Modern PUVs
Posted on June 26, 2024 by IO JCP

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Sa patuloy na pagtugon at pagyakap ng mga transport cooperative sa adhikain ng Public Transport Modernization Program (PTMP), pormal na inilunsad ng Golden Arc Transport Cooperative (GATC) noong ika-28 ng Mayo 2024 sa San Mateo, Rizal ang karagdagang 15 nitong mga makabagong sasakyan. Ito ay pinangunahan ni GATC Chairman Arceo A. Dela Cruz at General Manager Cynthia Gambit. Sa ngayon, mayroon nang 30 kabuuan PTMP-compliant units ang kooperatibang ito na magbibigay ng serbisyo sa mga komyuter na bumibiyahe sa rutang Rodriguez, Rizal – Cubao via Marikina.

Ang okasyon na ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan kung saan kabilang ang Office of Transportation Cooperatives (OTC). Sa pakikiisa sa naturang seremonya at bilang pagbibigay-suporta sa GATC, ipinadala si Ginoong Darwin M. Tan ng OTC – Operations Division para maghatid din ng pagganyak na mensahe sa mga miyembro at opisyales ng nasabing kooperatiba. Bitbit ang mga tagubilin ng Pangasiwaan ng OTC, ipinaabot ni Ginoong Tan ang malaking pasasalamat ng Ahensya sa imbitasyon ng nasabing kooperatiba at umaasa itong mananatiling modelo ang GATC sa iba pang mga transport cooperative sa bansa, higit lalo sa lalawigan ng Rizal, upang sama-samang isulong ang PTMP at tuluyang makamit ang hangarin ng pamahalaan tungo sa mas komportable, maaasahan, abot-kaya, at ligtas na sistema ng pampublikong transportasyon.

Dumaan man ang ilang pagsubok tulad ng mga tutol sa programa gayundin ang pag-usbong ng pandemya, binigyang-diin ng OTC na hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang mandato nitong tulungan at bigyan ng sapat na gabay ang mga transport cooperative na nakiisa sa Programa.

“Kami po ay laging nasa likod ninyo sa lahat ng programa at proyekto na kailangan ninyo kami,” pahayag ni Tan.

Pagtitiyak ng OTC, mananatili itong handa sa pag-aalok ng iba’t ibang programa at aktibidad na mapakikinabangan ng mga miyembro ng kooperatiba at magbibigay-armas sa mga namamahala sa loob nito hinggil sa kanilang maayos na pagpapatupad ng mga layunin at makabagong sistema ng Programa.

Kabilang sa mga programa nito sa ilalim ng PTMP ay ang Labor Law Seminar, Drivers’ Training on Road Use and Ethical Driving, Fleet Management Seminar, at Compliance Monitoring.