ππππ‘ ππππππππ ππππππππππ πππππ
Nakikiisa ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa pagdiriwang ng buong bansa sa β35th National Statistics Monthβ ngayong darating na buwan ng Oktubre, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 647 ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.
Sa temang, βAdvancing Data and Statistics through Digital Transformation: A Road to an Empowered Nationβ, pangungunahan ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa tulong ng Philippine Statistical System, ang pagbibigay-diin sa mahalagang papel ng teknolohiya bilang isang instrumento na maaaring gamitin para sa mas epektibong pangongolekta ng datos at pagbabalangkas ng mga pag-aaral na kinakailangan upang makapaghatid ng kalidad at maaasahang serbisyo sa publiko.
Kaugnay nito, hinihikayat ng buong tanggapan ng OTC ang lahat ng Pilipino, higit lalo ang mga kawani ng gobyerno, na magpakita ng kanilang suporta sa naturang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagyakap sa mga modernong pamamaraan at makabagong teknolohiya upang mapagtibay ang pundasyon ng pamahalaan tungo sa mas progresibong serbisyo sa bayan.